Infinito: Salinlahi-Chapter 69

If audio player doesn't work, press Reset or reload the page.

Chapter 69 - 69

Nang marinig ito ni Esmeralda, doon niya nakumpirma na ang matandang nakita nila ay ang matanda ring nakausap nila na may dalang kahon.

Napabuntong hininga si Esmeralda. "Sige ho Kap, maraming salamat po sa impormasyon. Tutuloy na ho ako."

"Sige hija, mag-iingat ka," saad naman ng kapitan. Pagkaalis naman ni Esmeralda ay bulto ng tao ang lumitaw na nakatago sa isang eskinita. May kakaibang ngisi ito sa labi habang nakatingin sa papalayong dalaga. Ilang sandali pa ay muli itong tumalikod at naglakad na palayo. Tintahak nito ang daan patungo sa kabilang panig ng kabundukan.

Nang makabalik naman sa bukid si Esmeralda ay kinumusta naman niya ang kaniyang lola.

"Nakapagpahinga ho ba kayo? Ako na ho riyan lola, hindi na dapat kayo nagbubuhat ng mabibigat." Saway ni Esmeralda at kinuha na sa matanda ang bitbit nitong balde ng tubig.

Napangiti naman si Haraya. Giliw na giliw itong sinundan si Esmeralda pabalik sa loob ng bahay nito.

"Nakausap mo ba si kapitan?"

Tumango si Esmeralda. "Opo lola, mukhang tumutugma po ang deskripsiyon ng mga tanod niya doon sa matandang nakausap namin ni Dodong."

Matapos maisalin ang laman ng balde sa pinag-iinbakan nila ay itinago naman niya ito sa ilalim ng lababo nila.

"Kung gano'n ay tama nga ang hinuha natin. Sa ngayon ay pagtuunan muna natin ng pansin ang paghahanda sa baryo Esme, kailangang maging handa rin ang mga tao bago tayo pumanhik sa bundok. Hindi kakayanin ni Ismael kung lahat tayo ay aakyat upang tugisin ang mga aswang."

"Napag-usapan na rin po namin ito ni amang, sa umaga ang mga manunugis ay patuloy na sasanayin ang mga tao sa pagprotekta sa kanilang mga sarili. Nakahanda rin naman ang mga tao ni kapitan na tumulong at marami rin ang nagpresenta at gustong matuto. Pero lola, sa tingin niyo, bakit kaya dito nila naisip na dalhin ang tatlong nilalang na iyon?" Tanong ni Esmeralda.

"Sa ngayon ay hindi ko pa mabibigyan ng kasagutan iyan apo. Wala ring maibigay na sagot ang mga gabay." Tugon ni Haraya.

Nahulog sila pareho sa malalim na pag-iisip at nagulat pa sila nang may tumighim. Paglingon nila ay nakita nila si Mateo na maluwag na nakangiti sa kanila. May dala itong basket na punong-puno ng gulay at prutas.

"Magandang umaga ho lola, Esme."

"Gising ka na rin pala, Mateo. Pasok ka, mukhang marami ka na namang dala."

Napakamot sa ulo ang binata. "Oo, mula ito sa likod-bahay." Pinatong ito ni Mateo sa mesa at inayos na rin ang iba sa mga lagayan.

"Siya nga pala Esme, nakausap ko si Paeng, namataan na naman nila ang matanda sa bayan kanina. Mukhang nag-iikot-ikot talaga sila sa baryo."

"Nasabi rin kanina sa akin ni kapitan. Pag-igihin na lamang ninyo ang pagsasanay sa mga tao."

Matapos ang tanghalian ay kinamusta naman nila ang pagsasanay sa mga tao. Nang mapagtanto nilang nasa maayos naman ang lahat ay tinungo naman ni Esmeralda ng bakuran niya. Tumayo siya sa harap ng puno ng mangga at naglatag ng banig roon.

Umupo siya at saka nag-alay naman ng dasal para sa mga gabay niya.

Isang malamig na ihip ng hangin ang dumampi sa kaniyang balat. Pagmulat ng kaniyang mata ay isang magandang babae naman ang nakaupo sa tabi niya. Nakangiti ito habang kumakain ng prutas na agad naman nitong inalok sa kaniya nang magtama ang kanilang mga mata.

"Abala ang mga gabay, at ako ang naatasan upang makipag-ugnayan sa'yo Esmeralda." Malumanay at napakalamig ng tinig nito. Kaaya-aya ito sa pandinig kapares ng nakakabighani nitong mukha.

"Ganoon ba, itatanong ko lang sana kaibigan, nakita mo ba si Liyab?" Tanong ni Esmeralda at napahinto naman ang nilalang sa pagkagat nito sa prutas.

"Ang binatang si Liyab ay kasalukuyang nahaharap sa isang pagsubok. Kung hindi mo man siya masilayan ngayon sa mundo niyo ay dahil may inaayos rin siyang gulo sa kanilang kaharian." Sagot nito. Tila idinuduyan naman si Esmeralda habang naririnig ang tinig ng nilalang.

Napangiti si Esmeralda. Tumango at saka iniabot sa engkantada ang isang mangga.

"Maraming salamat sa pagtugon sa aking katanungan."

Ngumiti ang nilalang at tinanggap ang mangga na bigay niya.

"Abala man ang binatang si Liyab, ay alam kong hindi ka nawawaglit sa kaniyang isipan. Mag-iingat ka dahil nakapalibot lang sa inyo ang panganib. Nagsisima nang kumilos ang mga babaylan upang kumonekta sa ibayo, ngunti hindi ito magiging sapat Esmeralda. Kailangan nila ang tulong mo. Hintayin mo ang binatang si Liyab. Darating siya sa oras na kailangan mo siya." Muling wika nito bago ito tuluyang naglaho sa kaniyang harapan.

Muli nang napapikit si Esmeralda at sa pagkakataong iyon ay ang mga lamang-lupa naman ang nakipag-ugnayan sa kaniya.

Kinahapunan ay muli na silang bumalik sa tolda para magbantay sa lamay. Mas naging maigting ang ginawa nilang pagbabantay. Sa kabutihang palad ay hindi wala nang nanggulo sa kanila hanggang sa tuluyang nailibing ang mga bata. Napuno naman ng iyakan ang sementeryo nang araw na iyon.

Naging emosyonal ang kaanak ng tatlong batang naging biktima ng aswang. Matapos ang libing ay agad namang pinalibutan ni Lola Haraya ng kung anong halaman ang tatlong puntod.

"Maitataboy nito ang mga nilalang na magbabalak na hukayin ang inyong mga yumao. Maging panatag kayo na ligtas na rito ang mga anak ninyo." Wika ni Haraya at tumango naman ang ginang.

This content is taken from fгee𝑤ebɳoveɭ.cøm.

Matapos ang libing ay nagsiuwian naman sila habang sin Esmeralda naman ay nanatili pa roon hanggang sa magdilim.

Sa pagsapit ng dilim ay tila pusabg nakabantay naman sina Esmeralda sa harap ng bahay nina Ismael. Tila may inaabangan kahit wala naman.

Kasalukuyang may ginagamot na pasyente si Ismael na inabot na rin ng gabi kaya naman doon muna sila ni Dodong nanatili.

"Ate, mukhang nahihirapan si Tatay Ismael sa pasyente niya ah, s

Narinig ko naparusahan raw ng itim na engkanto."

"Oo narinig ko rin, sa tingin ko hindi lang basta bati o parusa ang nangyayari. Nararamdaman ko kasi na malakas ang kapit ng engkanto sa babae. Balak siyang kunin nito."

Tumango si Dodong. " Tama ka ate, at hindi lang iyon. Hindi iisang engkanto ang may hawak sa kaniya, marami sila."

Napapikit naman si Esmeralda. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nagsalita pa. Pinakiramdaman na lamang nila ang mga nangyayari sa loob ng kubo.

Habang patuloy silang nagbabantay ay lumabas naman ng bahay si Silma, bitbit ang dalawang baso ng gatas para sa kanila.

"Esme, Dodong uminom muna kayo nito para naman mainitan ang sikmura niyo. Kanina pa kayong nariyan at malamig na ang gabi."

Nagkatinginan pa sila ni Dodong. Napangiti sila sa isa't isa at agad na tinanggap ang gatas sa ginang.

"Salamt ho Tiya Silma." Masayang wika ni Dodong at ininom na ang gatas.

Napatingin naman si Silma sa kubo at bumakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Kanina pa si kuya riyan, hindi ba siya napapagod? Para din siyang si tatay noon. Wala ng pahinga, makapanggamot lang." Napailing si Silma at napabuntong-hininga.

"Ganiyan ho talaga ang trabaho ng mga albularyo, wala silang pamimilian kun'di ang tuparin ang ibinigay sa kanilang misyon. Kapag tinanggihan naman nila ay magagalit ang mga gabay at siya rin ang magkakasakit. Huwag ka pong mag-alala tiya, mapagod man si amang, makakabawi ang katawan niya dahil sa mga gabay."

"Alam mo, katunog mo na rin si tatay. Ang totoo niyan hindi ko talaga nauunawaan ang mga ganiyan. Kaya rin siguro hindi ako napili ng gabay noon. Ayos lang din naman, ayoko ng magulong buhay."

Napangiti si Esmeralda. Matabil pa rin naman at matalas ang dila ni Silma ngunit hindi na tulad ng dati na puro panlalait ang lumalabas doon.

"Hindi mo pinangarap na maging albularya tiya?" Gulat na tanong ni Dodong.

"Hindi, ayoko talaga. Mabuti nga at ang gabay na mismo ang nagdesisyon na si Kuya ang piliin. Bata pa kasi kami noon, wala talaga akong ka-amor-amor sa mga gawain ni tatay. At isa pa takot ako sa mga gabay na iyan. Muntik pa nga akong atakihin sa puso nang makita ko minsan ang gabay na kapre ni tatay. Nakakatakot." Tugon ng ginang at natawa naman sila.

"Mababait naman ang mga kapre. Mahilig lang talaga silang manakot lalo ng mga bata at mga lasing." Saad ni Dodong.

"Ay siya sige na, ako'y papasok na. Siya nga pala Esme, nalinis ko na ang dati mong kuwarto, doon na kayo magaplipad ng gabi. Baka umagahin pa ang kuya sa loob ng kubo eh." Paalala ni Silma.

"Sige ho tiya, maraming salamat po."

Tugon ng dalaga at pumasok na nga ng bahay ang ginang.

"Grabe, ang laki na talaga ng pinagbago ni Tiya Silma. Nakakamangha lang. Akala ko talaga wala ng pag-asang maging mabait siya sa atin, ate."

"Kaya nga eh," sang-ayon ni Esmeralda habang nangingiti.